Article Inside Page
Showbiz News
Excited na ibinalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng isang reliable source na muling magtatambal sa pelikula sina Sharon Cuneta at Robin Padilla.
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered!
Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn'twant to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world.
Excited na ibinalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng isang reliable source na muling magtatambal sa pelikula sina Sharon Cuneta at
Robin Padilla. Tatapusin lang ng action superstar ang
Asian Treasures ng GMA-7 at magsu-shooting na sila ng Megastar.
Although wala pang official word from GMA Films, they are already holding meetings about the project.
Kung saka-sakaling matuloy ang naturang proyekto, ito ang ikatlong pagkakataon na magtatambal sa pelikula sina Sharon at Robin. Una silang nagtambal sa phenomenal hit na
Maging Sino Ka Man noong 1991 at nasundan ito ten years later, 2001, sa
Pagdating ng Panahon. Parehong para sa Viva Films ang unang dalawang pelikula nila.

Hindi na nasundan ang pagtatambal ng dalawang higante ng pelikulang Pilipino kahit marami ang nag-attempt. Si Annette Gozon-Abrogar lang ng GMA-7 ang nagtagumpay sa maraming nag-attempt na sila'y muling pagsamahin.
Nabanggit noon ni Robin na hindi muna sa GMA Films ang next movie niya after
Till I Met You nila ni Regine Velasquez para ‘di nakakasawa. Ito'y kahit may one-picture contract pa siya sa film company ng Kapuso Network. Si Sharon lang pala ang makakapagpabago ng isip ni Robin dahil agad daw pumayag ang aktor nang kausapin.
Si Joey Reyes ang magdidirek sa reunion movie nina Sharon at Robin. Ibig sabihin, mali ang balitang sa Star Cinema at OctoArts Films lang siya nagdidirek ng pelikula.
Wala pang title ang inaabangang Sharon-Robin movie at ‘di pa alam kung ano ang istorya nito. Ang tiniyak lang sa PEP, hindi ito horror, hindi drama, at hindi rin action.
Taken from
PEP.ph. With additional reporting from Xylen Geecel D. Alamo of iGMA.
Read more of today's hot topics:
Daboy and LT: Staying Strong