
Paparada ang mga atleta ng volleyball at taekwondo ngayong araw sa Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96.
Gagawing song and dance ang kanilang parada sa tulong nina Anthony Rosaldo at Thea Astley na parehong graduate ng GMA reality competition show na The Clash. Sasamahan din sila nina Tiktokerists Mannex Manhattan, Jhuven Aguilan at Kapuso teen star Vince Crisostomo.
Makikipagkuwentuhan din sina volleyball at taekwondo coaches Sammy Acaylar at David Arellano.
Abangan din ang inspiring stories ng mga student-athletes at exciting games na inihanda ng mga hosts na sina Sophia Senoron at Martin Javier.
Lahat ng 'yan ngayong araw sa Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96, 2:45 p.m. sa GTV.
Maaaring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96 via GMA Pinoy TV. Bumisita sa www.gmapinoytv.com/subscribe para sa detalye.
Abangan ang opening ceremony ng Season 96 ng NCAA ngayong Linggo, June 13, 5:05 p.m. sa GTV.