
Ibinahagi ni Kapuso host Iya Villania sa Instagram story ang nakakatawang experience nya kamakailan dahil sa usapan ng dalawang guwardiya tungkol sa kanya.
Narinig ng Mars Pa More host ang dalawang guwardiya na nag-uusap sa kanilang mga radio. At laking gulat niya nang marinig ang sinabi ni kuya guard... napagkamalan pala siyang lalaki!
Pabiro namang sinagot ni Iya sa panibagong Instagram story ang pag-uusap ng dalawang guwardiya, "Pogi ba?"
Kuwento ni Iya, noon pa man ay gusto na niyang subukan ang iba't ibang hairstyle maging ang pagpapakulay.
"If you've been wanting to try short hair but afraid of looking like a boy, JUST DO IT! It feels great and no matter what, you're gonna find a way to make it work anyway! So if you want to try something new that you've always been afraid to do, DO IT NOW! It's the best time to!" pagbabahagi pa ni Iya.
Samantala, narito pa ang ilang celebrities na maaring gawing inspirasyon sa inyong susunod na hair makeover.