
Isa si Kapuso journalist Mariz Umali sa milyon-milyong fans na humahanga sa husay at talento ng K-pop boy group na BTS at aminadong certified ARMY siya.
"I really appreciate and admire their songs, 'yung galing nila sa pagsayaw, sa pag-rap, 'yung hitsura nila. Ang cute-cute lang nila," pagbabahagi ni Mariz sa Stories of Hope.
Mas lalong hinangaan ni Mariz ang BTS nang malaman niya ang kuwento kung papaano nabuo ang grupo. Ibinahagi ni Mariz na ang karaniwang sumisikat sa South Korea ay mula sa kapitolyo nito, ang Seoul, pero ang miyembro ng BTS ay mula sa iba't ibang probinsiya na nagsimulang mangarap hanggang sa mapansin ang mga talento.
Binubuo nina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V at Jungkook ang BTS.
Dagdag pa ni Mariz, "Ang bias ko si V, number one si V, tapos si Jin, Jimin, Jungkook."
Bago pa man naging K-pop fan si Mariz, una na siyang kinilig at na-hook sa K-drama. Pagbabahagi ni Mariz, nagsimula ang lahat noong 2000 kung saan ang Korean novelas ay naka-VCD pa.
"Sari-sari 'yung emotions ko--naiiyak ako, natatawa. Talagang parang loka-loka na ako sa kapapanuod noon kasi mag-isa akong tumatawa, umiiyak, nagagalit, nagugulat," kuwento pa ni Mariz.
mariz umali (IG)
Dahil sa labis na paghanga sa Korean dramas, umabot din si Mariz sa punto na gusto na niyang bumisita sa Korea. Katunayan ay nasa Korea si Mariz nang matapos ang mandatory military service ni Ji Chang-wook, isang Korean actor, at isa siya sa mga fans na sumalubong dito.
mariz umali (IG)
Proud si Mariz na isa siya sa fans ng BTS dahil hindi lamang simpleng paghanga ang ginagawa nila kung hindi bumubuo rin sila ng inspirasyon para sa nakararami. tulad na lamang ng paggawa ng iba't ibang charity works para tumulong at magbigay kasiyahan sa kapwa. Ika nga, "fangirling with a purpose."
Samantala, balikan ang achievements ng BTS noong 2020 sa gallery na ito: