What's Hot

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

SWS: 44% of Pinoys expect quality of life to improve in 2026
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Patricia Javier


The actress graduates together with her chiropractor husband, Rob Walcher.

Isa nang ganap na naturopathy practitioner ang dating sexy actress na si Patricia Javier.

Naganap nung Biyernes, July 9, ang graduation ceremony ng klase ni Patricia sa The Heritage Hotel Manila.

Ang naturopathy ay naka-base sa paniniwalang may kakayanan ang ating katawan na gumaling sa natural na paraan sa pamamagitan ng therapy, pagkain, physical activities, at pagwawasto ng lifestyle.

“Every day is a new beginning. Don't stop to learn new things that will make us a better person,” pahayag ni Patricia sa Instagram.

A post shared by Patricia Javier (@patriciajavier1)

Kasabay ni Patricia na nag-aral ang kanyang mister na si Rob Walcher. Chiropractor si Rob at siya rin ang naghikayat kay Patricia na mag-aral ng naturopathy.

May wellness and chiropractic clinic na pinapatakbo sina Patricia at Rob at balak nilang idagdag ang naturopathy sa kanilang serbisyo.

Samantala, tingnan ang mga celebrities na nakatapos ng pag-aaral sa edad 30 at pataas: