GMA Logo Kylie Padilla
Celebrity Life

Kylie Padilla, positibo pa ring hinaharap ang buhay

By Aimee Anoc
Published July 16, 2021 10:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


"Claim it, I'm happy, I'm healthy, I'm alive. I'm hoping the same for you." -Kylie Padilla

Kamakailan lamang nang kumpirmahin ni Kylie Padilla na hiwalay na sila ni Aljur Abrenica at sa kabila nito patuloy na nagpapakita ng katatagan ang aktres base na rin sa kanyang Instagram posts.

Ngayong araw, July 15, nag-post ang aktres ng mga larawan nito na nakasuot ng white top at pants na may caption na nagpapahiwatig ng positibong pagtingin pa rin nito sa buhay sa kabila ng pinagdadaanang pagsubok.

Isang post na ibinahagi ni KYLIE (@kylienicolepadilla)

"In the end the best thing to do is not to blame anyone for the things that happened BUT to observe where you could have done better," pagbabahagi ni Kylie.

"Life is about growth. Silence the noise and make the best out of your life, Claim it, I'm happy, I'm healthy, I'm alive. I'm hoping the same for you," pagtatapos nito.

Parehong tahimik sina Kylie at Aljur sa isyung may 'third party' na sangkot sa hiwalayan nilang dalawa ayon na rin sa panayam ng ama nitong si Robin Padilla kay Ogie Diaz.

"Meron daw, e. E, kaimposiblehan ba 'yon? Hindi 'yun kaimposiblehan. 'Yun ang sinasabi ko kay Kylie, lalaki 'yan," diretsong sagot ni Robin nang tanungin ni Ogie kung wala bang 'third party' na sangkot.

Ikinasal sina Kylie at Aljur noong December 2018 at biniyayaan ng dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Kasalukuyang na kay Kylie ang dalawang anak nito at naghahanda na rin sila sa paglipat sa kanilang bagong bahay.

Samantala, narito ang ilan pang celebrity breakups ngayong 2021: