
Sinagot ni Carmina Villarroel ang tanong ng isang follower kung paano siya nanatiling authentic at grounded sa mundo ng showbiz.
Bata lamang si Carmina nang nagsimula ng kaniyang showbiz career. Mula late '80s at hanggang ngayon, isa siya sa mga hinahangaang personalidad sa industriya.
Kuwento ni Carmina sa kaniyang vlog, ito ay dahil raw sa kaniyang nakalakihan sa kaniyang pamilya.
"Siguro malaking factor 'yung pamilya ko.
Paliwanag ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition host, "They really keep me grounded ever since nag-start ako sa showbiz."
Photo source: @mina_villarroel
Saad ni Carmina naging normal ang kaniyang buhay at walang special treatment na nangyari kahit siya ang nag-iisang artista sa pamilya. Ang naging set up na ito ay ipinagpapasalamat ni Carmina sa kaniyang pamilya.
"Ako 'yung kauna-unahang artista sa pamilya, sa Villarroel. So siyempre hindi namin alam papaano 'yung mayroong artista sa pamilya. Malaking factor talaga, nagpapasalamat ako sa mga magulang ko at sa mga kapatid ko."
Dugtong pa niya, hindi siya naging favorite at patuloy pa rin siya sa mga gawaing bahay kahit nakilala na siya sa showbiz industry.
"Wala sila 'yung favorite nila ako kasi artista ako, or dapat wala kang mga chores sa bahay kasi artista ako, or bunso ako. Walang ganun. Kahit na nag-aartista ako, mayroon pa rin akong chores sa bahay."
Saad pa ng Kapuso actress at host, "Everytime I would go home or off cam lagi akong si Carmina na isang anak or kapatid."
Samantala, balikan ang showbiz career ni Carmina sa gallery na ito: