
Umani ng papuri ang nakakakilig na cover ni Mikee Quintos ng soundtrack ng hit K-drama na Nevertheless.
Kamakailan kasi ay nag-post si Mikee sa social media ng video na kung saan ay kinakanta at tinutugtog niya sa gitara ang awiting “Love Me Like That” ni Sam Kim.
“Can't get this song out of my head for 8 weekends now! I wonder why?” sabi ni Mikee sa caption.
Marami naman ang natuwa sa sweet rendition ni Mikee lalo pa't sikat na sikat ang series sa mga Netflix viewers.
Pero bakit nga ba naisip ni Mikee na i-cover ang awitin at ibahagi ito sa publiko?
“Lately, parang I made it a point na I want to practice more sa singing. So that's me trying to play instruments more kasi medyo nag-rest nga ako [sa pagtugtog],” paliwanag ni Mikee ng makausap ng GMANetwork.com.
Big fan si Mikee ng mga K-dramas at K-pop at nakasanayan na niya na aralin kantahin at tugtugin ang mga nagugustuhan niyang Korean songs.
“Ever since naman that's been a habit of mine, na when I hear a song and gusto ko siya kantahin, aaralain ko talaga siya sa gitara and it just happens na lagi namin pinapanood 'yong Nevertheless and nag-stick sa akin 'yong 'Love Me Like That,'” saad ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento star.
“I even tagged the singer [Sam Kim]. Gusto ko 'yong boses niya, I like his style and nabilib ako so I made a cover. Happy naman ako dahil natuwa 'yong mga fans na nag-comment,” nakangiting sabi ni Mikee.
Samantala, tikom pa rin ang bibig ni Mikee kaugnay sa bagong proyekto na kanyang ginagawa.
May mga intriguing posts din si Mikee recently na kung saan ay blonde ang kanyang buhok with matching vibrant outfits.
Nitong Linggo lang ay may pinost ang actress-singer at GMA Playlist artist na mga pictures na may mensahe na “Just Enough” at “09 24 21.”
Ano nga kaya ang tinutukoy ng mga ito? Abangan na lang daw natin sabi ni Mikee dahil marami pa siyang clues na ilalabas sa mga susunod na araw.
Samantala, fall even more in love with Mikee sa gallery na ito.