
Sa kaniyang YouTube channel, emosyonal na ibinahagi ng celebrity vlogger Benedict Cua ang mga dahilan kung bakit pinili niyang magpahinga muna bilang isang influencer.
“I decided to stop working for a while, I know it sounds so entitled but i feel like at this point in my life napunta ako ulit dun sa existential crisis where suddenly back to zero lahat,” sabi pa niya.
Pakiramdam daw ng vlogger ay obligado siyang regular na gumawa ng content para sa lahat ng taong nag-aabang sa kaniya.
"I always have that urge na parang kailangan kong i-please lahat ng mga tao, I always have to be my perfect self. A lot of times, parang wala na 'kong time maging vulnerable," dagdag niya.
Source: benedict_cua (IG)
Matagal na raw nararamdaman ni Benedict ang pagiging anxious sa kaniyang ginagawa at sa mga nangyayari sa kaniyang paligid.
“Natatakot ka, kinakabahan ka. you feel so, parang there's a huge weight on your shoulder, on your chest” kwento niya.
Dagdag pa ni Ben, hindi na raw niya maihiwalay ang trabaho sa kaniyang personal na buhay.
"Parang 'yung buhay ko, naging vlog na, naging filming. This job is really not for everyone. At this point, I don't even think it's for me."
"There's no vacation anymore like whenever you're outside, whenever you're hanging out with your family, you always feel obligated to film everything 'cause when you don't, then you get anxious, hindi ka productive,” sabi pa niya.
Napaisip daw ang vlogger/actor na malala na ang kaniyang pinagdaraanan ay noong minsan na umuwi siya sa Bulacan at wala na siyang maramdamang koneksiyon sa lugar na dati ay nagpapasaya sa kaniya.
"I felt like there's no beauty in reality anymore and it scared me 'cause before, when I'm connecting with nature, I feel whole, I feel alive. I'm scared to lose myself. I'm scared that this thing that I'm feeling now, mapi-feel ko siya my whole life and I don't wanna live a life like that," dagdag pa niya.
Ngayon ay mas prayoridad daw ni Ben na alagaan ang kaniyang sarili at paghandaan ang kaniyang kinabukasan.
“I decided to 'go on a mission' in a sense. I applied in an adoption agency far away from the country just so I could take my mind off and reflect and do some 'soul searching,'” paliwanag niya.
Paalala naman ni Ben, “If you feel something like this, you have to take action especially if it gets really alarming.”
Kasabay ng pag-post ng video na ito, nag-post din si Ben sa kaniyang Instagram account ng mga larawan niya na may caption: “i promise i'll come back stronger.”
Sa video, nagpasalamat din si Ben sa lahat ng sumusuporta at nagmamahal sa kaniya. "I just wanna be able to connect to the world again, in a way, find myself--what I really want in my life, if I'm really on the right path."
Nag-comment naman ang ilan sa mga malalapit na kaibigan at kapwa influencer ni Ben sa kaniyang post.
Sabi ni Toni Sia, “Ben!!!! WE LOVE YOU AND I feel you so so much. Please take all the break you need. You deserve it. Thank you for inspiring me, for inspiring us.”
May mensahe rin ang beauty vlogger na si Rei Germar sa kaibigan, “I FEEL YOU SOBRA!! I felt like I kept on working para i-avoid yung sarili kong thoughts. I'm happy you're taking the break you need! Big and tight hugs, Ben!! Take care.”
Minsan ding napanood si Benedict sa Kapuso Primetime Series na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.
Samantala, panoorin ang video na ito ni Ben, dito: