
Masayang-masaya ang aktres na si Yasmien Kurdi dahil niregaluhan siya ng kanyang asawang si Rey Soldevilla ng bagong sasakyan.
Paliwanag ni Yasmien, niregaluhan siya ni Rey ng sasakyan upang maiwasan niyang makisalamuha sa ibang tao bilang pag-iingat na rin sa COVID-19.
Mensahe ni Yasmien sa GMANetwork.com, "Recently po kasi nagkakasabay ang mga schedules namin. Ngayong pandemic, madalas siya po ang naghahatid sa akin sa work ko para less daw yung contact namin with other people."
"Pero since madalas na ang mga swab tests before work, napansin namin na doble na yung travel namin with regards to our work. Kaya ayun, kinunan niya ako ng car na kayang-kaya ko i-manuever.
"Ang saya lang dahil finally pinayagan na niya ako mag-drive mag-isa!"
Dagdag pa ni Yasmien, "dream car" niya ang ibinigay ni Rey na Suzuki Jimny GLX 2021.
Aniya, "3 years ko na po siya hinihingi pero ayaw lang po ako payagan ni hubby mag-drive lalo na at puyatan sa tapings before. Baka daw ma-tempt ako mag-drive nang madaling araw para makauwi agad."
"Since, lock-in tapings na ngayon, outside of it madalas ang mga travel papunta sa work is for variety shows and swab testings na.
"Before minsan lang talaga ako nakakapunta ng GMA building, pero ngayon lagi na, every work kailangan dumaan dun because of swab testings."
Malapit nang mapanood si Yasmien sa upcoming drama show na Las Hermanas kung saan makakasama niya sina Thea Tolentino, Faith Da Silva, at Albert Martinez.
Bukod kay Yasmien, tingnan ang iba pang pinagmamalaking sasakyan ng mga artista dito: