GMA Logo carla abellana
Celebrity Life

Carla Abellana, emosyonal nang payagang bumiyahe abroad para mabili ang wedding dress

By Marah Ruiz
Published October 9, 2021 4:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

carla abellana


Naluluhang pinasalamatan ni Carla Abellana ang GMA Network sa pagpayag nitong mangibang-bansa siya para mabili ang kanyang dream wedding dress.

Unti-unting ipinapasilip ni Kapuso actress at bride-to-be Carla Abellana ang mga paghahanda para sa upcoming wedding nila ng longtime boyfriend at kapwa Kapuso star na si Tom Rodriguez.

Sa isang bagong vlog, ibinahagi ni Carla ang proseso ng pagbili niya ng kanyang wedding dress.

Dahil sa trabaho, tatlong beses daw siyang nagpaalam sa mga boss sa GMA Network bago mapayagang mag-abroad para mabili ang dream wedding dress mula sa kayang dream designer.

Naluluhang pinasalamatan ni Carla ang GMA Network sa permisong ibinigay nito para makaalis ng bansa si Carla.

"I thank GMA for allowing me, finally allowing me to fly. They may not know how important this is for me but thank you to GMA. I love it. I love it so much. I'm so happy," emosyonal na pahayag ng aktres sa video na kinuna niya noong nakaraang Marso.

Tila daw nabunutan siya ng tinik ngayong napadali na ang isang parte ng kanyang wedding preparations.

"I'm so happy because it's true when they say na parang nabunutan ng tinik 'yung dibdib mo. Gumaan na 'yung pakiramdam. Nawala na lahat ng stress, lahat noong iniyak ko, na pinadasal ko. Sulit talaga. Super thank you. Alam ko parang mababaw but it's really my dream, so finally tuloy na siya," bahagi ni Carla.

Kasama ang kanyang nanay, lumipad si Carla patungong New York.

Nag-quarantine muna sila ng tatlong araw, bago namalagi ng dalawa pang araw sa New York para sa hanapin ang wedding shoes at gown ni Carla.

Panoorin ang pinakabagong wedding vlog ni Carla dito:

October 2020 pa engaged sina Carla at Tom pero isinapubliko nila ito noong lamang March 2021.

Nakatakda naman silang ikasal ngayong October sa Tagaytay.

Nagkakilala sina Carla at Tom sa award-winning GMA drama series na My Husband's Lover at naging magkarelasyon simula 2014.

Samantala, silipin ang bachelorette party ni Carla dito: