GMA Logo Shiloh Jayne
Celebrity Life

Baby Shiloh's playmate is Pepito Manaloto!

By EJ Chua
Published October 22, 2021 12:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Shiloh Jayne


Baby Shiloh habang nakikipaglaro kay Pepito Manaloto: “Don't do that, Pepito Manaloto!”

Habang lumalaki, mas kapansin-pansin na isang bibong bata ang anak nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap na si baby Shiloh Jayne.

Trending ngayon ang video ni Shiloh habang nakikipaglaro kay Michael V.

Mula nang i-upload ni Rochelle ang video ay umabot na ito ng mahigit 230k views sa Facebook.

Halatang masayang masaya ang celebrity kid sa simpleng pakikipaglaro sa kanya ng Kapuso comedian.

Maririnig din sa video na tinawag ni Baby Shiloh si Michael V. sa character name nito sa isang GMA show.

“Don't do that, Pepito Manaloto, don't do that,” cute na cute na sinabi ni Baby Shiloh.

Kasama ni Michael V. ang ama ni Baby Shiloh na si Arthur Solinap sa television sitcom na Pepito Manaloto.

Ipinagdiwang ni Shiloh ang kanyang 2nd birthday nito lamang February 24, 2021.

Halo-halong emosyon naman ang nararamdaman ni Rochelle sa mabilis na paglaki ng panganay na anak nila ni Arthur.

“Ibang klaseng saya ang ibinigay mo sa min. Binago mo ang buhay namin ng Daddy mo. Ikaw ang mundo naming,” mensahe ni Rochelle kay Shiloh.

Bukod naman sa hilig ni Shiloh sa pakikipaglaro, nae-enjoy din niya ang pagsusuot ng iba't ibang costumes.

Narito ang ilang cute at nakakagigil na videos ni Baby Shiloh: