
Ibinahagi ni Ellen Adarna ang sariling bersyon sa kantang "Free Fall" ni Hard Candy, na siyang ginamit na kanta sa kanyang kasal.
Sa Instagram, makikitang tumutugtog ng piano si Ellen habang kinakanta ang "Free Fall."
"My version of my wedding march," sulat ni Ellen.
Una nang nag-post si Ellen ng pagbati para sa 45th birthday ni Derek Ramsay kung saan ibinahagi nito ang video nilang dalawa habang hinahalikan ang isa't isa.
"Happy 45th My Love. You look so much better than some men half your age so don't stress my Gor," sulat niya.
Ikinasal noong November 11 sina Ellen at Derek sa Rancho Bernardo Luxury Villas Mountain Resort sa Bagac, Bataan.
Samantala, balikan sa gallery na ito ang sunset wedding nina Ellen Adarna at Derek Ramsay: