
Kung mayroon mang isang hiling si Max Collins ngayong Pasko, ito ay inilalaan niya para sa 1-year-old na anak na si Skye Anakin.
Ayon kay Max, susulitin niya ngayong holiday ang oras na kasama ang anak.
Matagal-tagal ding nawalay si Max kay Skye dahil sa lock-in taping ng katatapos lamang na Primetime series na To Have and To Hold, na agad ding nasundan ng guesting para sa upcoming episode ng Wish Ko Lang, ang "Gayuma."
"I'll be home for Christmas because this is the most time that I get to spend with Skye. Kasi syempre after the holidays baka may pumasok na work at kailangan kong mag-lock in ulit, so ninanamnam ko talaga 'yung time ko sa kanya," pagbabahagi ng aktres.
Dagdag niya, "Wish ko na sana ma-enjoy ni Skye ang kanyang second na Pasko. Kasi now mas malaki na s'ya so matatandaan n'ya 'yung mga nangyayari. My wish is for him to have fun this Christmas."
Ipinanganak ni Max si Skye noong July 6, 2020 sa pamamagitan ng water birth.
Samantala, mapapanood si Max ngayong Sabado bilang si Regina sa "Gayuma" episode ng Wish Ko Lang. Makakasama niya rin sa Christmas special epsode na ito sina Jak Roberto, Dave Bornea, Tanya Gomez, Bench Hipolito, at Bernicular.
Tingnan ang cutest photos ng anak ni Max Collins na si Skye Anakin sa gallery na ito: