GMA Logo Jennylyn Mercado and Dennis Trillo
Celebrity Life

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, nagbigay kasiyahan sa pagtulong sa 10 pamilya ngayong Pasko

By Aimee Anoc
Published December 26, 2021 11:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo


"Sabi nga nila, Christmas is all about giving and sharing your blessings at napakasarap naman din talaga makatanggap o makapagbigay ng regalo." - Jennylyn Mercado

Nagbigay kasiyahan ngayong Pasko sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa pamamagitan ng pabibigay tulong sa kanilang kapwa.

Ayon kay Jennylyn, labis ang kasiyahan nila ni Dennis sa umaapaw na biyaya na dumating sa kanila ngayon taon. Aniya, "Napakaraming blessings talaga 'yun dumating sa buhay namin kaya lubos kaming nagpapasalamat sa Diyos, sa aming pamilya at sa lahat ng nagmahal sa amin."

Kaya bilang pasasalamat, nais na makapagbigay ng simpleng regalo nina Jennylyn at Dennis. Ilan sa maswerteng nakatanggap nang maagang pamasko ay ang magtataho, grab driver, at security guard.

Habang papunta sa hospital para sa checkup at cervical ultrasound ni Jennylyn, tinulungan din ng mag-asawa ang nakasalubong nilang mag-iina na nakaupo sa gilid ng kalsada. Gayundin, ang magkakapatid na nangangalakal ng basura, lolang nagtitinda ng basahan, at ang sorbetero.

Ikinasal sina Jennylyn at Dennis noong November 15, 2021 sa pamamagitan ng isang civil wedding sa Quezon City. Sa ngayon, ipinagbubuntis ni Jennylyn ang unang baby girl nila ni Dennis.

Panoorin ang ginawang pagtulong nina Jennylyn at Dennis sa 10 pamilya ngayong Pasko sa video na ito:

Samantala, tingnan ang masayang pamilya nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa gallery na ito: