GMA Logo Janus del Prado and Ogie Diaz
Celebrity Life

Janus del Prado shares appreciation post for new manager Ogie Diaz

By Aimee Anoc
Published December 26, 2021 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Janus del Prado and Ogie Diaz


Tumatanaw ng utang na loob ang 'Happy ToGetHer' actor sa talent manager.

Naglaan ng oras si Janus del Prado para pasalamatan ang bago nitong manager na si Ogie Diaz.

Ayon kay Janus, sobra ang pasasalamat niya sa lahat ng tulong na ibinigay sa kanya ng manager, lalong-lalo na sa pagtanggap sa kanya bilang isa sa mga talents nito.

A post shared by Janus Del Prado (@janusdelprado)


"Thank you for everything, Ogs. Thank you for helping me sa mga pangyayari sa buhay ko this 2021. Thank you for giving me a place to stay na pina-rent mo sa akin na palugi.

"Thank you for mentoring me on social media. For accepting me sa roster ng mga talents mo kahit 'di ka na talaga tumatanggap ng mga bagong alaga. For helping me put my life back together na this time ako muna dapat 'yung priority ko. And most of all, thank you for helping me see the potential in me na 'di ko na makita dahil sa mga tao sa paligid ko na bumulag sa akin," sulat ng aktor.

Nagpasalamat din si Janus sa pagiging isang totoong kaibigan ni Ogie sa kanya na "walang halong panunumbat o hinihintay na kapalit."

Samantala, mapapanood si Janus sa pinakabagong sitcom ng GMA na Happy ToGetHer, na pinagbibidahan ng award-winning TV idol na si John Lloyd Cruz.

Abangan si Janus bilang si T.G. ngayong Linggo, 7:40 p.m bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, kilalanin ang cast ng Happy ToGetHer sa gallery na ito: