
Suot ang sexy sando at jogging pants, hot na hot na ipinamalas ni Bianca Umali ang kanyang dancing skills sa isang TikTok video.
Kasama ang dalawang female dancers, game na game na humataw ang Kapuso star para sa kanilang TikTok entry ng kantang “Buttons” na pinasikat ng American girl group na Pussycat Dolls.
Kahit black and white ang video, kapansin-pansin pa rin ang hotness na dala nina Bianca.
Hindi maikakailang lubos na kinagiliwan ng fans at followers ang sexy dance moves ng aktres.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 5.9 million views ang video na mapapanood sa TikTok account ni Bianca.
Bukod naman sa napakaraming views, umani na rin ito ng mahigit 500,000 likes.
@bianxxxxxxxa red hot chili peppers 🌶 @rhossellejoseph @kmbrlylowpez ♬ Buttons Remix - Showmusik Sounds
Ang comment section naman ng mismong video, napuno ng fire emojis at nakakaaliw na mga komento mula sa netizens.
Ang isang netizen naman, nagbiro pa na dahil daw sa hotness ni Bianca ay kailangan nang itodo ang aircon at electric fan.
Isa si Bianca sa fastest Kapuso rising stars na talaga namang inaabangan ng maraming manonood simula nang siya ay makilala sa mundo ng showbiz.
Samantala, tingnan ang career milestones ni Bianca Umali sa gallery na ito: