
Viral ngayon ang latest stunt nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na kuha sa kanilang anniversary celebration sa Pangasinan na ipinost ng sexy actress sa Instagram.
Mala-buwis buhay ang bagong stunt ng mag-asawa kung saan binuhat ni Derek si Ellen habang nakadiretso ang kanyang mga kamay at braso pahalang. Sitting pretty naman si Ellen habang nakapalupot ang kanyang katawan sa braso at balikat ng mister.
Kapansin-pansin ang fit na figure ni Derek at flexible na pangangatawan ni Ellen sa epic pose na ito.
Sa ngayon, may mahigit 200,000 likes na ang post sa Instagram.
Kinaaliwan ito sa social media at naging mitsa pa ng isang bagong challenge na tinawag ng netizens na "Derek-Ellen karga challenge."
Ano man ang body type, walang nakapigil sa couple na ito na gayahin ang sweet stunt nina Derek at Ellen.
Ang ilan naman, kinuha ang pagkakataon na gawin ang viral beach pose habang nasa beach.
Kahit wala man sa beach, tuloy pa rin photoshoot ala-Derek at Ellen!
Sa mga kuha naman na ito, tila effortless ang panggagaya sa risky shot.
Kung na-amaze kayo sa viral “karga” photo nina Derek at Ellen, narito ang iba pa nilang nakakabilib na pose caught on camera na ginaya ng marami:
Ikinasal sina Derek at Ellen noong November 11, 2021 matapos ang siyam na buwang relasyon.
Na-engage ang dalawa noong March 30, 2021, halos dalawang buwan bago sila naging official couple.