GMA Logo Kim Rodriguez
Photo by: akosikimrodriguez (IG)
Celebrity Life

Kim Rodriguez, kumasa sa 'Manok na Pula' dance challenge

By Aimee Anoc
Published February 9, 2022 2:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos scrutinizing ratified 2026 budget —Palace
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Rodriguez


Panoorin ang nakaaaliw na version ni Kim Rodriguez ng "Manok na Pula" dance challenge dito.

Kumasa na rin si Kapuso actress Kim Rodriguez sa "Manok na Pula" dance challenge.

Sa Wish Ko Lang Facebook page, makikitang todo sa paghataw si Kim sa kanyang sariling bersyon ng dance craze.

Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang mahigit 288,000 views ang "Manok na Pula" dance video ng aktres.

Ngayong Sabado, bibigyang buhay ni Kim ang nakabibighaning karakter ni Charisse sa "Sabong" episode ng Wish Ko Lang.

Tampok sa episode na ito ang misteryosong kuwento ng mga nawawalang sabungero simula pa noong Enero.

Makakasama rin ni Kim sa "Sabong" episode sina Andrea Torres, Tom Rodriguez, Angela Alarcon, at Marcus Madrigal.

Abangan si Kim sa Wish Ko Lang ngayong Sabado, February 12, alas-kuwatro ng hapon sa GMA.

Samantala, tingnan ang outdoor sports na kinahihiligan ni Kim Rodriguez sa gallery na ito: