
Kamakailan ay ipinagdiwang ng celebrity chef na si Jose Sarasola ang 12th anniversary ng kanyang restobar sa Parañaque na nagawa niyang ipagpatuloy kahit pa nagkaroon ng pandemya.
Sa panayam ng GMANetwork.com sa Kapuso chef, nagbahagi siya ng ilang paraan kung paano mas makahihikayat ng customer sa panahong ito gaya ng paglalagay ng mga gimmick at promo sa mga produkto.
Kuwento niya, "We have to really find ways to survive. In terms of what I did, talaga is having a lot of promos sa mga food ko, sa mga drinks ko a lot of discounts and a lot of gimmicks."
Dahil karamihan ng mga mamimili ngayon ay gustong makatipid, mas makabubuti raw na maglagay ng promo upang maka-engganyo ng customers.
Aniya, "It really has to do with gimmicks and promos that will actually bring in your customers kasi number one, people are trying to save a lot of money, people don't really go out, but then if you have these promos that are enticing and inviting sa mga tao, ito yung mga ways how your business will survive and thrive during the pandemic."
Noong June 2020, ibinahagi ni Chef Jose na ang COVID-19 pandemic ang pinakamatinding pagsubok na hinarap ng kanyang restobar pero nalagpasan niya ito sa tulong din ng kanyang mga mabuting empleyado.
Samantala, mas kilalanin naman si Chef Jose sa gallery na ito: