GMA Logo Mavy Legaspi and Kyline Alcantara
Celebrity Life

Mavy Legaspi reveals his Valentine's Day preparation for Kyline Alcantara

By Aimee Anoc
Published February 22, 2022 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mavy Legaspi and Kyline Alcantara


Hindi inaasahan ni Kyline Alcantara na may pinaplanong Valentine's Day surprise para sa kanya si Mavy Legaspi sa Tagaytay.

Walang kaalam-alam si Kyline Alcantara na may inihandang Valentine's Day surprise para sa kanya ang rumored boyfriend na si Mavy Legaspi.

Ayon kay Mavy, inihanda niya ang sorpresa para kay Kyline dalawang araw bago ang Valentine's Day kung saan pinuntahan niya ang aktres sa Tagaytay.

May nauna na rin daw plano si Mavy para sa aktres pero hindi ito natuloy dahil nalaman niyang pupunta ng Tagaytay ang pamilya ni Kyline.

"Naisip ko lang two days before kasi may plano talaga ako for Kyline. Isosorpresa ko siya on that day itself but in different type of way, hindi magta-Tagaytay or whatsoever. As in magdi-dinner lang in some place na gusto n'ya talagang mag-dinner," pagbabahagi ng aktor sa press interview.

Dagdag ni Mavy, "But again nu'ng weekend na 'yun, Saturday, I got a call from her mommy na magtse-check in sila over the weekend sa Tagaytay, for Valentine's, at baka gusto ko raw pumunta with friends.”

"So I had to switch up all the plans. Nag-cancel ako ng reservation doon. Tapos biglaan 'yung flower schedule, 'yung delivery," dagdag niya.

Ibinahagi rin ni Mavy na kasama niyang gumawa ng sorpresa ang ina ni Kyline.

"I'm just glad na naging successful s'ya kasi on the way there may pressure na 'Pupunta ako ng Tagaytay pero pagdating ko baka hindi ma-surprise si Kyline,'" kuwento ni Mavy.

Samantala, hindi naman inaasahan ni Kyline na may inihandang sorpresa para sa kanya si Mavy noong Valentine's Day dahil sinunod lamang niya ang plano ng magulang na pumunta ng Tagaytay.

"Sila mama at papa, gusto po nilang mag-Tagaytay so syempre sila po 'yun kailangan nating sundin. Hindi ko naman po alam na may pinaplano si Mav kasi hindi naman po ako nag-e-expect," pagbabahagi ni Kyline.

Hindi naman nabigo si Mavy sa ginawang sorpresa dahil sobrang nagustuhan ito ni Kyline.

"Na-appreciate ko rin po 'yung paghihintay n'ya. Actually sa sobrang hindi ko talaga alam 9 a.m nandu'n na s'ya [and 9:20 a.m] ako nagising. Syempre ilang oras pa tapos magre-ready pa ako. Nasa quarter to 12 na ako nakapunta roon sa resto part ng hotel namin. Nahiya rin ako kasi naghintay s'ya and his friends," dagdag ng aktres.

Panoorin ang ginawang sorpresa ni Mavy Legaspi para kay Kyline Alcantara sa Tagaytay rito:

Samantala, tingnan ang sweetest photos nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa gallery na ito: