GMA Logo Kendra Kramer
Courtesy: Team Kramer (Youtube)
Celebrity Life

Kendra Kramer, ipinasilip ang kanyang dream room

By EJ Chua
Published March 2, 2022 1:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kendra Kramer


Kendra Kramer, masayang ibinahagi ang bagong hitsura ng kanyang kwarto sa isang vlog!

Excited na nag-take over si Kendra Kramer sa isang vlog upang ibahagi ang bagong hitsura ng kanyang kwarto.

Unang ikinuwento ni Kendra na ang kwarto niya ngayon ay ang kwartong pinagsaluhan nila noon ng kanyang kapatid na si Scarlett.

Dahil nagdadalaga na si Kendra, napagdesisyunan ng kanyang mga magulang na sina Doug Kramer at Cheska Garcia-Kramer na bigyan na ito ng sarili niyang kwarto.

Habang nagba-vlog, masayang ipinakita ni Kendra ang bawat sulok ng kanyang personal space.

Pagpasok sa kanyang kwarto, makikita na agad ang malaking pagkakaiba sa hitsura nito noon at sa bagong ayos nito ngayon.

Agaw pansin ang napakagandang princess-type bed ni Kendra na katabi ng isang rattan lamp.

Makikita rin dito ang kanyang little lounge area at cabinets kung saan nakalagay ang kanyang doll and toy collection.

Ipinakita rin ni Kendra ang vanity mirrors na parehas na ginagamit nila noon ni Scarlett.

Isa rin sa nagpapasaya sa kanya ay ang kanyang walk-in closet at ang itinuturing niyang hobby wall.

Sa kalagitnaan ng vlog, nakipagkuwentuhan pa si Kendra sa kanyang mga magulang habang ipinapakita ang mga bags na ibinigay ng mga ito sa kanya.

Ipinasilip din ni Kendra ang kanyang sosyal na bathroom at ang jacuzzi na nasa loob nito.

Sa dulo ng vlog, pinasalamatan ni Kendra ang kanyang mga magulang at mga taong tumulong sa kanila upang ma-achieve ang kanyang dream room.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 159,000 views ang vlog ni Kendra tungkol sa kanyang transformed room.

Si Kendra ay ang panganay na anak nina Doug at Cheska Kramer, na pinag-uusapan ngayon sa social media dahil sa taglay nitong kagandahan.

Samantala, tingnan ang mga larawan ni Kendra na nagpapatunay na isa siyang beauty queen in the making sa gallery na ito: