GMA Logo aiai delas alas
Celebrity Life

Aiai Delas Alas, 'tiis-ganda' sa bagong TikTok video

By Jansen Ramos
Published March 18, 2022 7:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas


"Tiis-ganda...napaka init ng sahig," ani ng 'Raising Mamay' star na si Aiai Delas Alas sa kanyang bagong TikTok video.

Summer feels ang bagong TikTok entry ng Comedy Queen na si Aiai Delas Alas.

Kahit mabilad sa araw, walang takot na nagtapak sa mainit na sahig habang naka-swimsuit ang Raising Mamay actress para magsayaw.

Aniya, "TikTok is life" kaya naman lahat ay gagawin niya para sa kanyang online content kahit na siya ay "tiis-ganda" pa.

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Ishinare din ni Aiai ang kanyang latest TikTok video sa Instagram at nakakuha ng halos 90, 000 views sa loob lamang ng limang oras.

Napa-comment naman ang kaibigan niyang si Marian Rivera, gayundin ang mga kapwa nila aktres na sina Iza Calzado at Kaye Bautista, at Raising Mamay co-star ni Aiai na si Antonio Aquitania.

Nag-react din ang asawa ni Aiai na si Gerald Sibayan sa hot TikTok video ng kanyang misis. Ika ni Gerald, "Ay grabe naman talaga si @msaiaidelasalas IBA DIN IDOLLLLL."

Aiai Delas Alas

Umuwi ng Pilipinas si Aiai mula Amerika, kung saan siya legal resident, para sa taping ng Raising Mamay. Nakatakdang bumalik ng US ang aktres pagkatapos ng produksyon ng bago niyang TV project na sasailalim sa dikresyon ni Don Michael Perez.

Bago lumipad ng Amerika noong huling parte ng 2021, napanood si Aiai bilang judge ng GMA musical competition na The Clash.

Tingnan ang ilang larawan ni Aiai at asawa niyang si Gerald Sibayan sa Amerika sa gallery na ito: