
Tampok sa Dapat Alam Mo! ang trending graphic artist na si Ronald Quiñones Jr., o mas kilala bilang Lowcostedit, dahil sa kanyang galing sa pagguhit ng iba't ibang digital transformation.
Noong 2020, nagsimula si Ronald gumawa ng mga digital art transformation. Dati niya itong naging libangan na naging source of income pa niya ngayon.
“Sa sobrang bored ko noong pandemic, nanood lang ako ng tutorials sa YouTube, iba't ibang sites, para matuto, at least, kung paano mag-edit,” pagbabahagi niya.
Bata pa lamang si Ronald ay mahilig na siyang gumuhit at fine arts pa ang naging kurso niya sa kolehiyo. Gumagamit naman ng portable touch screen computer o tablet si Ronald sa paggawa ng kanyang mga obra ngayon.
“Sobrang happy, at the same time, nakaka-overwhelm din. Kasi may instances na simpleng edit lang para sa akin pero para sa iba, sobrang laki na ng impact,” aniya.
Sa ngayon, mayroong 1.3 million followers at 28.8 million likes ang TikTok account ni Ronald, kung saan niya ipinapakita ang kanyang artworks.
Ang ilan sa kanyang nakatutuwang digital transformations ay sina Marian Rivera bilang Cruella de Vil, Heart Evangelista bilang Renaissance Queen, at Megan Young bilang Cleopatra.
Marami rin ang bumilib sa obra ni Ronald kung saan naging babae sina Kapuso actors Dingdong Dantes at Alden Richards, at ang Kapuso actresses na sina Sanya Lopez at Kim Domingo na ginawa naman niyang lalaki.
Karamihan ng kanyang mga obra ay requests mula sa kanyang followers. Ibinahagi rin ni Ronald ang presyo ng kanyang pag-e-edit at sinabi, “Kahit enhancement or retouching lang, minimum ko po is PhP1,000. Ultimate transformation like characters na po, kung anong gusto niyong transformation, PhP5,000 to PhP10,000.”
Patuloy na subaybayan ang Dapat Alam Mo! at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.
Samantala, silipin ang quarantine artworks ng mga sikat sa gallery na ito.