
Excited na si Sparkle artist Sofia Pablo para sa nalalapit na kaarawan sa April 10.
Sa isang press interview, ibinahagi ni Sofia ang mga plano para sa selebrasyon ng kaniyang 16th birthday.
Dahil kasalukuyang abala para sa nalalapit na pag-ere ng pinagbibidahang fantaseries na Raya Sirena, pinag-iisipan ni Sofia na ipagdiwang na lamang sa kanilang bahay ang kaarawan.
"Actually mayroon akong mini party kaso medyo tight din po 'yung schedule dahil nga po 'yung 'Raya [Sirena]' and may mga pasulpot-sulpot na mga shoot, mga guesting sa site, sabi ko po, ''Wag na lang muna, sa bahay na lang tayo,'" sabi ni Sofia.
Ayon sa aktres, gustong-gusto rin niyang makasamang mag-ATV ang mga kaibigan.
"And plan ko po is mag-ATV na lang with friends kahit after birthday pa basta magawa namin ang ATV," dagdag niya.
Patuloy na mapapanood si Sofia sa GMA Afternoon series na Prima Donnas kasama sina Jillian Ward at Althea Ablan.
Samantala, mas kilalanin pa si Sofia Pablo sa gallery na ito: