
Ang linggong ito ay para sa mga fans ng action-packed video games!
Tampok kasi sa G! Flicks ang mga movie adaptation ng ilang pinakamamahal na video games.
Magbubukas ang linggo kasama ang Mortal Kombat: Annihilation, April 25, 8:00 p.m.
May pitong araw lang mga Earthrealm warriors para ipagtanggol ang mundo laban kay Emperor Shao Khan (Brian Thompson) na gustong maghari sa Outerworld at sa Earth.
Huwag din palampasin ang zombie action movie na Resident Evil: Apocalypse starring Mila Jovovich.
Gaganap siya rito bilang Alice, isang survivor matapos kumalat ang zombie virus mula sa misteryosong Umbrella Corporation.
Sa pagkalat ng virus na ito sa Racoon city, susubukan niyang hanapin ang isang scientist na maaaring makagawa ng lunas.
Abangan ito sa April 26, 8:00 p.m.
Bukod sa mga exciting video game adaptations, may iba pang action-packed movies na hatid ang G! Flicks.
Tunghayan ang Anacondas: The Hunt for the Blood Orchid, April 27, 8:00 p.m.
Kuwento ito ng isang grupo ng mga scientist na hinahanap ang "blood orchid," isang bulaklak na nakapagbibigay diumano ng immortality. Kailangan nilang harapin ang mga anaconda, malalaking ahas na pangunahing pagkain ang mga bulaklak na ito.
Mapapanood naman ang '90s favorites at iconic action stars na sina Jean Claude Van Damme at Dolph Lundgren sa Universal Soldier, April 28, 8:00 p.m.
Gaganap sila rito bilang elite soldiers na namatay sa Vietnam War at muling mabubuhay dahil sa "Universal Soldier" program--isang top secret experiment para makagawa ng super soldiers na may pambihirang lakas.
Samahan naman si Jason Statham sa Crank, April 29, 8:00 p.m.
Tampok siya rito bilang isang hitman na nanganganib mamatay kung hindi niya mapapanatiling mataas ang kanyang adrenaline levels.
Matatapos naman ang exciting na linggong ito kasama si Steven Seagal sa pelikulang Belly of the Beast, April 30, 7:05 p.m.
Gaganap siya rito bilang isang retired CIA agent na tutungo sa Thailand para i-rescue ang na-kidnap niyang anak.
Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.