GMA Logo Baron Geisler Graduation
Source: baron.geisler (Instagram)
Celebrity Life

LOOK: Baron Geisler graduates from college with a degree in Theology

By Jimboy Napoles
Published April 26, 2022 5:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Baron Geisler Graduation


Proud moment para sa aktor na si Baron Geisler ang pagtanggap niya ng diploma sa kolehiyo.

Isang panibagong achievement ang ibinahagi ng aktor na si Baron Geisler sa kanyang mga tagasunod dahil sa kanyang pagtatapos ng kolehiyo sa kursong Theology sa All Nations College sa Antipolo City.

Ngayong Martes (April 26), ibinahagi ni Baron sa kanyang Instagram account ang ilang mga larawan mula sa kanilang graduation ceremony kung saan makikita ang kanyang pagmartsa at pagtanggap ng diploma kasama ang kanyang mga kaklase at mga guro.

A post shared by Baron Geisler (@baron.geisler)

"My journey has reached its goal, and opened a way before me. Thank you Lord!" caption ni Baron sa kanyang post.

Sa kanya namang Instagram stories, ibinahagi ni Baron ang larawan niya kasama ang kanyang guro kalakip ang mensahe ng pasasalamat.

Aniya, "Doc Eph, maraming salamat po!! 2019 tayo nag-start at ito na po, nasagot ng Panginoon ang aking pangarap na makapagtapos ng kolehiyo."

"It's never too late," dagdag pa niya.

Source: baron.geisler (Instagram)

Samantala, wala naman sa mga larawan ng graduation post ni Baron ang kanyang asawa na si Jamie Evangelista at kanilang anak na si Talitha Cumi. Matatandaan na kamakailan ay muling naging laman ng balita ang aktor matapos ibahagi ng kanyang asawa ang kanyang pagbabalik sa adiksyon sa pag-inom ng alak.

Silipin naman ang mga larawan ng bagong buhay ni Baron sa gallery na ito.