GMA Logo faith da silva
Celebrity Life

Faith Da Silva receives greetings from celebrity friends on her 21st birthday

By Aimee Anoc
Published May 1, 2022 11:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

faith da silva


Nakatanggap nang maagang birthday surprise si Faith Da Silva mula sa co-stars niya sa 'All-Out Sundays.'

Umaapaw ang pasasalamat ni Kapuso actress Faith Da Silva sa lahat ng pagmamahal at biyayang natanggap sa 21st birthday noong April 29.

Sa Instagram, masayang ibinahagi ni Faith ang kanyang birthday celebration kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan.

"Birthday behavior," sulat ng aktres sa post niya.

A post shared by Faith Da Silva (@faithdasilva_)

Ilang araw bago ang kaarawan, nakatanggap din si Faith nang maagang sorpresa mula sa co-stars sa All-Out Sundays.

"Early birthday with [All-Out Sundays] Thank you for the love," sabi ni Faith.

A post shared by Faith Da Silva (@faithdasilva_)

Nagpaabot din ng pagbati sa kanyang kaarawan ang ilan sa malalapit na kaibigan sa showbiz tulad nina Yasmien Kurdi, Thia Thomalla, Nikki Co, at Rita Avila.

Nagsimulang makilala si Faith sa showbiz sa kanyang lead role sa GMA Afternoon series na Las Hermanas kasama sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, at Albert Martinez.

Noong January 2022, natupad ang isa sa mga pangarap ni Faith bilang Kapuso nang makatrabaho ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz sa sitcom ng GMA na Happy ToGetHer.

Samantala, tingnan ang jaw-dropping photos ni Faith Da Silva sa gallery na ito: