GMA Logo Madam Inutz and wrecked car
Celebrity Life

Viral online seller na si Madam Inutz, durog ang sasakyan matapos maaksidente

By Aedrianne Acar
Published May 11, 2022 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Madam Inutz and wrecked car


Paalala ni Madam Inutz sa mga drayber: “Please lang, 'wag na po kayo mag-maneho kung under [the] influence ng liquor." Basahin ang buong kuwento dito:

Maraming nabahala nang mag-post sa Facebook ang viral online seller na si Madam Inutz o Daisy Lopez sa totoong buhay sa nangyari sa kaniyang sasakyan.

Nakapanlulumo ang larawan na ibinahagi ni Madam Inutz sa nangyari sa kaniyang kotse. Ngunit sa kabila ng nangyari, malaki pa rin ang pasasalamat niya na walang nasaktan sa kanila.

Post niya, “Durog ang sasakyan ni Madam Inutz n'yo. Accidents always happen talaga. Buti na lang walang nasaktan. Thank you, Lord, sa pag gabay mo sa amin."

Nag-iwan din ng paalala sa mga driver ang internet sensation. Ani Madam Inutz, “Kaya nga, mga inutz, lagi tayong mag-iingat sa lansangan at sa mga driver na naka-inom, please lang, 'wag na po kayo mag-maneho kung under [the] influence ng liquor."

Sunod-sunod naman ang post ng mga fans ni Madam Inutz na kinakamusta ang kalagayan niya matapos ang car accident.

Heto naman ang ilan sa mga aksidente na gumulantang sa show business sa gallery na ito.