GMA Logo Kiray Celis and Fanny Serrano
Celebrity Life

Kiray Celis mourns death of her 'fairy godmother' Fanny Serrano

By EJ Chua
Published May 11, 2022 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Kiray Celis and Fanny Serrano


Kiray Celis, muling inalala kung paano sila nagkakilala ni Fanny Serrano.

Kasunod ng pagpanaw ni Felix Mariano Fausto Jr. o mas kilala bilang si Fanny Serrano, inalala ni Kiray Celis kung paano napalapit ang kanyang loob sa namayapang makeup artist.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Kiray ang ilang larawan nila ni Fanny kakabit ang nakaaantig na kuwento kung paano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

Ayon sa caption ng Kapuso comedienne, “Saan nga ba tayo nagkakilala? Actually, pinahanap po ako ni tito fanny. May nabasa raw kasi siyang article na binubully ako sa makeup at nalagay ako sa 'Worst Dress' sa isang ball. At doon na nagsimula ang lahat. Wala akong masabi. Mamimiss kita fairy godmother ko… My Tito Fanny 'TF' Serrano, Mahal na mahal kita. Sobra! I love you, Tf! Rest in peace.”

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Ngayong umaga ng ika-11 ng Mayo, inanunsyo ng blog na Pageanthology 101 ang malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ng celebrity makeup artist at stylist na si Fanny Serrano sa edad na 72.

Rest in power, Tita Fanny.

Samantala, balikan ang naging karera ni Fanny Serrano sa pamamagitan ng gallery na ito: