
Muli na namang kinagiliwan ng netizens si Herlene “Hipon” Budol dahil sa kanyang pinakabagong TikTok video.
Suot ang kanyang green at white na two-piece swimsuit, game na game na ipinakita ni Herlene ang kanyang balingkinitang katawan sa pamamagitan ng isang video habang sinasabayan ang isang kanta sa TikTok sa loob ng comfort room.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 14,000 likes at mahigit 100 comments ang pinakabagong video na in-upload din ng aktres sa kanyang Instagram account.
Nito lamang April 22, pormal nang inanunsyo ng Binibining Pilipinas ang opisyal na listahan ng mga kandidatang maglalaban-laban para sa naturang beauty pageant ngayong 2022.
Isa sa mga pasok sa Top 40 candidates ay ang Kapuso comedienne na si Herlene Budol.
Kasalukuyang napapanood si Herlene sa pinakabagong fantasy rom-com series sa GMA na pinamagatang False Positive.
Samantala, tingnan ang mga larawan na magpapatunay na pageant-ready si Herlene Budol sa gallery na ito: