GMA Logo Jules Eusebio and Ashley Rivera
Source: petrashley (TikTok)
Celebrity Life

Ashley Rivera, emosyonal sa pagpanaw ng kaibigan na si Jules Eusebio a.k.a 'The Dub King'

By Jimboy Napoles
Published May 17, 2022 12:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
2025 Showbiz Recap: Milestones, collaborations, and farewells in Philippine entertainment
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Jules Eusebio and Ashley Rivera


Pahayag ni Ashley Rivera para sa namayapang kaibigan: "No more pain. Mahal Kita. RIP Dub King."

Isang madamdaming post ang ibinahagi ng aktres na si Ashley Rivera o kilala rin bilang si Petra Mahalimuyak sa kanyang TikTok account kaugnay sa pagpanaw ng kanyang kaibigan at kapwa content creator na si Jules Eusebio o mas kilala online bilang si 'The Dub King.'

Kahapon, araw ng Lunes (May 16), mabilis na kumalat online ang malungkot na balita na pumanaw na ang sikat na TikTok star dahil sa severe typhoid fever at naranasang depresyon.

Sa TikTok, ipinost ni Ashley ang collab video nila ni Jules habang idina-dub ang viral video ng 'Pabebe Girls.'

@petrashley

Sa dami ng mga influencers, isa sya sa mga nakilala ko na genuine na tao. Hay. Ang bilis talaga ng panahon ❤️‍🩹😭

♬ original sound - Petra Mahalimuyak

Ayon kay Ashley, isa sa si Jules sa mga totoong tao na kanyang nakilala kaya nalulungkot siya sa biglaang pagpanaw ng kaibigan.

"Sa dami ng mga influencers, isa siya sa mga nakilala ko na genuine na tao. Hay, ang bilis talaga ng panahon," aniya.

Dagdag pa ng aktres, siguradong mami-miss niya ang mga masasayang ala-ala nila ni Jules.

"Mami-miss kita at mga bardagulan natin @juleseusebio. No more pain. Mahal Kita. RIP Dub King," ani Ashley.

Samantala, mapapanood naman si Ashley sa Happy ToGetHer kasama ang multi-awarded actor na si John Lloyd Cruz tuwing linggo ng gabi, bago ang Kapuso Mo Jessica Soho.

Mas kilalanin naman ang comedienne-actress na si Ashley sa gallery na ito: