
Nagbigay pugay ngayon ang celebrity mom at host na si Mariel Padilla para sa TikTok star na si Jules Eusebio o mas kilala bilang si "The Dub King" nang mabalitaan niya ang biglaang pagpanaw nito noong Linggo (May 15).
Isa si Jules sa gumawa ng parody ng viral video ni Mariel kung saan napasigaw ang host ng malaglag ang electric fan sa kanilang bahay habang siya ay nagla-live selling.
Gaya ng kanyang viral video, mabilis din na nag-trending ang parody video ni Jules online.
Sa Instagram, binalikan at ipinost ni Mariel ang video ni Jules at nagpasalamat sa namayapang content creator.
Mensahe ni Mariel, "Hi Jules!!! Thank you again for this!!! You are so talented. Gawa ka ng maraming TikTok sa langit. Muli, maraming salamat."
Source: marieltpadilla (Instagram)
December 14, 2021 nang maimbitahan sa longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga si Jules bilang isa sa mga guest sa segment na "Bawal Judgemental," kung saan ay nakausap niya ang kanyang idolo na si phenomenal star at original 'Dubsmash Queen' Maine Mendoza. Maluha-luha pa noon ang TikTok star nang makita at makausap sa personal si Maine.
Kuwento niya noon, "Nag-start ako Dubsmash pa lang siya, 2017, so nung nagkaroon ng TikTok nilipat ko 'yung account ko doon so 'yun talagang sinusundan ko 'yung consistent yapak ni Ms. Maine."
Panoorin ang naging pagbisita ni Jules sa Eat Bulaga sa video na ITO:
Samantala, kilalanin naman ang ilang sikat na TikTok stars na napapanood na rin ngayon sa mainstream sa gallery na ito: