
Napa-throwback ang beauty queen at aktres na si Pilar Pilapil nang ibahagi niya sa Instagram ang kaniyang larawan na kuha pa noong 1968.
Minsan kasi ay naging print ad model ang batikang aktres para sa isang beauty brand.
"My print ad as an @eskinolph girl in 1968," sulat ni Pilar sa caption.
Mula noon hanggang ngayon ay maganda pa rin si Pilar kaya naman pinusuan ng netizens ang kaniyang larawan.
Komento ng isa, "Wow na wow mapa hanggang ngayon maganda pa rin."
Kasalukuyang napapanood si Pilar bilang si Blesilda sa top-rating GMA Telebabad show na First Lady.
Samantala, balikan ang ilang larawan ng mga sikat na artista noong kanilang kabataan sa gallery na ito: