
Tila may mini-reunion ang mga sikat na TV at stand-up comedians sa birthday celebration ng sikat na komedyante na si Petite kamakailan.
Sa mga larawan na ipinost ng dating Wowowin host na si Donita Nose, makikita na magkakasama sina Boobay, Pepita Curtis, Tita Krissy Achino, at Kapamilya host na si Vice Ganda sa isang bar kung saan nagdaos ng kaarawan si Petite.
"Happy birthday, Vincent Aycocho Petite! Love you, Anti," pagbati ni Donita para sa kaibigan.
Nagbiro pa si Donita tungkol sa pagiging looking good at fresh nila nina Vice sa kanyang post.
Aniya, "With my Meme Jose Marie Borja Viceral. Sa nga nagtatanong kung may pinagawa po siya, wala po, natural niya po yun.”
"With my good friends Norman, Boobay Balbuena, Pepita Curtis, and Tita Krissy Achino," dagdag pa niya.
Kahit na magkakahiwalay ng istasyon, nagpapatuloy pa rin ang magandang samahan ng stand-up comedians.
Samantala, kilalanin naman ang iba pang kilalang stand-up comedians sa gallery na ito.