
Trending ngayon online ang video ng anak ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na si Zia Dantes habang todo-bigay na kumakanta ng "Dance Monkey" na awitin ng international artist na Tones and I.
Sa Facebook, proud na ipinost ni Marian ang video ni Zia na ngayon ay may nasa mahigit 6 million views na.
"Manang-mana sa akin [laughing emoji]," caption ng celebrity mom.
Umani rin ng sari-saring positibong reaksyon mula sa netizens ang nasabing video.
"So very cute & beautiful like mommy Marian," papuri ng isang fan.
"Beautiful voice and super pretty," komento naman ng isang Facebook user.
Dagdag naman ng isang netizen, "Talented little lady Zia is a great one."
Samantala, mapapanood naman si Marian kasama ang kanyang asawa na si Dingdong Dantes sa pinakabagong Kapuso sitcom na Jose and Maria's Bonggang Villa tuwing Sabado ng gabi sa GMA.
Silipin naman ang mother and daughter bonding moments nina Marian at Zia sa gallery na ito.