#LoveWins: Meet Kaladkaren Davila's British fiance, Luke Wrightson

Noong bata pa lamang si Jervi Li o mas kilala bilang si KaladKaren Davila, inakala niya na walang magmamahal sa kanya dahil siya ay naiiba.
Aniya sa kaniyang tell-all vlog, “Akala ko wala ng taong magmamahal sa akin dahil bakla ako, transgender ako, at naiiba raw ako.”
Ngunit lahat ng ito ay nagbago noong 2012 nang makilala niya ang kanyang British partner na si Luke Wrightson.
Makalipas ang walong taon, inanunsyo ni KaladKaren na engaged na siya sa kanyang longtime boyfriend kalakip ng ilang litrato ng kanyang engagement ring.
Kilalanin si Luke Wrightson, ang British bae at fiance ni KaladKaren Davila!

















