GMA Logo Aiai Delas Alas in USA
Image Source: msaiaidelasalas (Instagram)
Celebrity Life

Aiai Delas Alas, enjoy ang simpleng buhay sa Amerika kasama ang mister

Published June 8, 2022 5:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

High-profile drug suspect arrested in Iloilo; P6.12M alleged shabu confiscated
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas in USA


Ine-enjoy ng Comedy Queen at 'Raising Mamay' star na si Aiai Delas Alas ang kanyang pagiging maybahay sa Amerika kung saan siya lawful permanent resident.

Malayo sa makulay at maingay na mundo ng showbiz, simpleng namumuhay ang Comedy Queen na si Aiai Delas Alas sa Amerika kasama ang asawang si Gerald Sibayan.

Sa kanyang Instagram account, makikitang enjoy na enjoy ang Raising Mamay lead star sa kanyang buhay abroad.

Kung sa Pilipinas ay celebrity kung ituring si Aiai, sa Amerika ay malaya niyang nagagawa ang mga normal na ginagawa ng isang ordinaryong indibidwal gaya ng pagmamaneho at grocery shopping.

Biro ni Aiai, tila Disneyland sa kanya ang isang organic supermarket doon na kanyang pinupuntahan. Ilang taon na ring sumasailalim sa organic diet ang aktres kaya naman napanatili niya ang kanyang fitness sa edad na 57.

Ika pa ni Aiai, "back to normal" na ang kanyang pamumuhay nang bumalik siya ng San Francisco, California dahil magiging misis na ulit siya sa kanyang asawa.

Matatandaang mag-isang lumipad si Aiai sa Pilipinas noong Pebrero para gawin ang Kapuso soap opera na Raising Mamay na kasalukuyang pinapalabas sa GMA Afternoon Prime. Mayo na nang nakabalik si Aiai ng Amerika. Naiwan doon si Gerald matapos itong i-petisyon ng aktres para maging lawful permanent resident din doon.

Isang post na ibinahagi ni AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Ngayong magkapiling nang muli ang mag-asawa, magkasama nilang pinupuntahan ang ilang popular tourist spots sa California gaya ng The Golden Gate Bridge.

Isang post na ibinahagi ni AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Sa isang video naman na ito, tila unbothered si Aiai sa malamig na klima sa coastal area ng Santa Monica sa Los Angeles dahil nakuha pa niyang sumayaw.

Sabi niya sa caption, "Enjoy life."

Isang post na ibinahagi ni AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Taong 2015 pa noong nakuha ni Aiai ang kanyang green card, ang dokumentong nagpapatunay na maaari siyang manirahan at magtrabaho sa Estados Unidos.

Sa past interview ni Aiai, sinabi niyang plano nilang magka-baby ni Gerald sa pamamagitan ng surrogacy na gagawin nila sa US.

Tingnan ang iba pang mga larawan nina Aiai at Gerald sa Amerika sa gallery na ito: