GMA Logo Richard Yap
Source: iamrichardyap (IG)
Celebrity Life

Richard Yap, isa sa mga ninong ng anak ni Angeline Quinto

By Aedrianne Acar
Published June 28, 2022 3:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Anu-ano ang mga nagawa ng ICI sa imbestigasyon sa flood control issues? | GMA Integrated Newsfeed
P95M shabu seized, alleged drug courier nabbed in Surigao City
Enrique Razon Jr. is richest Filipino in Forbes' 2026 Billionaires List

Article Inside Page


Showbiz News

Richard Yap


Silipin ang ilan sa highlights ng binyag ng anak ng singer na si Angeline Quinto DITO.

Masaya ang Kapuso leading man na si Richard Yap na isa siya sa mga napiling ninong ng anak ng Kapamilya talent na si Angeline Quinto at non-showbiz partner nitong si Nonrev Daquina.

Isinilang ni Angeline si Baby Sylvio noong April 27, 2022.

Sa Instagram post ng Fil-Chi actor, ibinahagi nito ang ilang highlights ng Christening celebration ni Baby Sylvio. Kasama niyang dumalo sa event ang misis na si Melody Leva Yap.

A post shared by Richard Yap (@iamrichardyap)

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang first-time mom na si Angeline sa lahat ng mga mahal nila sa buhay at kaibigan na dumalo sa espesyal na okasyon na ito.

Post niya, “Maraming salamat sa lahat ng mga dumalo sa Christening celebration ni @babysylvio Our family is very grateful for your presence on this special day.”

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)