GMA Logo Chiz Escudero and Bamboo Manalac
Celebrity Life

Senator Chiz Escudero finally meets his lookalike OPM artist Bamboo

By Jimboy Napoles
Published July 2, 2022 3:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Chiz Escudero and Bamboo Manalac


"Multiverse?" sey ng isang netizen sa larawan nina Chiz Escudero at Bamboo.

Usap-usapan ngayon sa social media ang kumalat na larawan nina Senator Chiz Escudero at OPM icon na si Bamboo Mañalac kung saan makikita na magkasama sila sa isang event.

Matagal na ring napapansin ng mga netizen na may pagkakahawig ang dalawa kung kaya't ganoon na lamang ang kanilang saya nang makitang nagtagpo na ang magka-lookalike.

Sa Facebook page ni Bamboo naka-upload ang nasabing larawan na agad umani ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizen.

Embed: bamboo and chiz

"Baka malito si Heart," komento ng isang Facebook user.

"Finally. Bamboo and Sen. Chiz in one picture [laughing emoji] Wala nang edit edit to guys [laughing emoji]," sey ng isang netizen

"Good boy ka pala tingnan kapag nakasalamin Sir Bamboo," usisa naman ng isa pang netizen.

"Multiverse of Hallelujah," dagdag pa ng isang Facebook user.

Ang nasabing event ay ang thanksgiving concert sa Sorsogon, kung saan isa sa mga performer si Bamboo. Sa probinsyang ito dating namuno bilang gobernador ang asawa ni Heart Evangelista na si Chiz. Ngayon ay nagbabalik naman sa Senado si Chiz matapos siyang manalo sa nagdaang eleksyon 2022 at makakuha ng mahigit sa 20 million votes.

Samantala, silipin naman ang larawan ng mga Pinoy non-celebrities na nag-trending dahil kamukha ng mga international stars sa gallery na ito: