
Tuloy-tuloy ang pasabog ng Kapuso comedienne-actress na si Herlene Budol o mas kilala bilang Sexy Hipon kasabay ng kanyang pagsali sa Binibining Pilipinas 2022.
Sa social media, sinorpresa ni Herlene ang kanyang fans dahil sa kanyang bagong labas na pictorial kung saan makikita ang kanyang afro hairstyle suot ang leather and silver ensemble.
"I love my Fro' - it's not just a hairstyle ; it's a statement," caption ni Herlene sa kanyang post.
Ayon naman sa kanyang manager na si Wilbert Tolentino, matagal na raw nilang ginawa ang nasabing pictorial pero ngayon lamang ito nailabas.
Bukod dito, patok rin online ang official photo ni Herlene suot ang isang Dia Ali swimsuit para sa swimsuit competition ng sinalihan niyang beauty pageant.
Inaabangan naman ang magiging performance ni Herlene sa coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 ngayong July 31.
Samantala, slipin pa ang ilang stunning photos ni Herlene sa gallery na ito: