
Masayang nagdiwang ang award-winning actress na si Eugene Domingo ng kanyang kaarawan ngayong July 23 kasama ang kanyang Italian partner na si Danilo Bottoni sa Germany.
Sa Instagram, ibinahagi ng dating Dear Uge host-actress ang ilang mga larawan at video mula sa kanyang simple birthday celebration.
Makikita sa video na masayang kumakain si Eugene ng pasta kasama si Danilo habang inaawitan ang sarili ng "Happy birthday."
"Maraming salamat sa everyday! at thank you po sa lahat ng inyong warm greetings and best wishes! God bless us all," caption ng actress-comedienne sa kanyang post.
Sa hiwalay na post, makikita naman ang mga larawan ni Eugene habang nasa isang amusement park sa Hamburg, Germany.
"Thank you! Pretty, pretty, pretty good birthday," saad naman niya sa post na ito.
Nakatanggap din ng pagbati si Eugene mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz at kapwa Kapuso stars gaya nina Boobay, Valeen Montenegro, at Kakai Bautista.
Samantala, nominado naman si Eugene bilang Best Supporting Actress sa 70th FAMAS Awards 2022 sa kanyang pagganap sa pelikulang Big Night, na naging kalahok din sa Metro Manila Film Festival 2021.
KILALANIN NAMAN ANG MGA LALAKI SA BUHAY NI EUGENE DOMINGO, SA GALLERY NA ITO: