
Sa napakaraming celebrity na dumalo sa GMA Thanksgiving Gala Night na ginanap nito lamang Sabado (July 30) sa Shangri-La The Fort sa Taguig City, isa si Rochelle Pangilinan sa mga labis na nagpasalamat sa GMA Network.
Ayon sa latest Facebook post ni Rochelle, “Nakakamiss na makitang muli sa personal ang mga kaibigan at katrabaho. Thank you, GMA Network! Ang saya saya! [heart emoji] #GMAGalaNight.”
Makikita sa post ng actress at dancer ang ilang larawan niya kasama ang ilang celebrities na dumalo rin sa naturang event.
Bukod sa kaniyang asawa na si Arthur Solinap na nagsilbing date niya nung gabing iyon, nakasama rin ni Rochelle ang Legaspi family.
Nagpakuha rin siya ng litrato sa celebrity couple na sina Christopher De Leon at Sandy Andolong.
Hindi rin pinalampas ni Lolong actress ang pagpapa-picture kasama ang ilang personalidad mula sa GMA News and Public Affairs.
Silipin dito ang Facebook post ni Rochelle tungkol sa Gala Night:
SAMANTALA, SILIPIN ANG BEST MOMENTS SA 2022 GMA THANKSGIVING GALA NIGHT SA GALLERY NA ITO: