GMA Logo Ninong Ry
Source: Ninong Ry (FB)
Celebrity Life

Ninong Ry, may mensahe sa kapwa plus size guys

By Aedrianne Acar
Published August 6, 2022 1:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Ninong Ry


Chef at vlogger na si Ninong Ry sa kanyang mga “chubby” na inaanak: “Walang katapusan na pangbo-body shame ng mundo sa 'yo”

Pumukaw ng atensyon ang Facebook post ng chef at vlogger na si Ninong Ry tungkol sa mga taong nagbo-body shame sa tulad niyang plus size guy.

Sa kanyang Facebook post, umamin siya na struggle ang paghahanap ng damit na puwede niyang suotin.

Kuwento ni Ninong Ry, Ryan Morales Reyes sa totoong buhay, “Buong buhay ko, nag struggle ako sa mga bagay na isosoot ko. Ang hirap humanap e. Bilang isang lalaking mataba, wala gaanong choices talaga pag sa mall ka namimili kaya sa mga nagtatanong bakit iisa palagi ang soot ko, eto ang dahilan.

“Ang sakit nung may makikita kang magandang damit only to find out na XL lang ang biggest size nila or 'yung XXL naman nila e maliit pa din. Ang lakas sumira ng confidence nun.

“Kaya pag nakahanap ako ng damit na ok ang fit sakin at komportable ako, bibili na ako ng ilan para yun na lang ang isosoot ko. Di na ko magpapalit.”

Malaman din ang mga sumunod niyang sinabi tungkol sa mga taong nagbo-body shame sa may katawan na tulad ng sa kaniya.

Hugot ni Ninong Ry, “Dagdag mo pa ang walang katapusan na pangbobody shame ng mundo sayo. Minsan nakakahiya na lang lumabas kasi alam mong pinagtitinginan ka ng tao.

“Sa mga tropa kong matataba dyan, ramdam ko layo. Puro patawa na lang tayo tungkol sa katabaan natin kasi di makuhang maging sensitive ng mga taong nakapaligid satin e. Sakyan na lang. At least napatawa natin sila.”

Nag-iwan naman ang sikat na vlogger ng isang payo sa mga kapwa niya na “chubby” na inaanak.

Wika ni chef, “Hindi ko kayang sabihin sayo kung saan makakakuha ng confidence. Hanggang ngayon paminsan minsan hinahanap ko pa din yun e. Basta tol, ramdam kita.

“Sabay sabay tayong mangarap na sana sa lifetime natin, matutunan ng tao na hindi tingnan ang mga tulad natin na may halong pandidiri o katatawanan.”

Dagdag ng kilalang content creator, “For now, piliin na lang nating mahalin ang sarili natin. Kung feel mo gwapo o maganda ka today, ipagsigawan natin! Minsan lang naman diba? Saka ano bang pake nila. Hindi kasi tayo yung mga taong kailangang lumait ng iba para magka confidence eh.

“Baka sila ganun. Hayaan na natin. Siguro kasi, ang tunay na gwapo e yung hindi kailangang mang baba ng tao para umangat ang sarili nilang estado. Stay chubby, mga inaanak!”

HETO ANG ILAN SA MGA CELEBRITIES NA NAKARANAS NG BODY SHAMING: