GMA Logo Serena Dalrymple at Carlo Aquino
PHOTO SOURCE: @sdalrymple
Celebrity Life

Serena Dalrymple reunites with Carlo Aquino

By Maine Aquino
Published August 7, 2022 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Philippines at the 2025 SEA Games: List of gold medalists
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Serena Dalrymple at Carlo Aquino


Muling nagkita ang dalawa sa kilalang mahuhusay na child stars ng kanilang henerasyon.

Ikinatuwa ng netizens nang makita ang reunion nina Serena Dalrymple at Carlo Aquino.

Silang dalawa ay parehong nagsimula showbiz bilang child stars at nakilala sa kanilang husay sa pag-arte.

PHOTO SOURCE: @sdalrymple/ @jose_liwanag

Isa sa pelikulang pinagsamahan nina Serena at Carlo ay ang Bata, Bata Paano Ka Ginawa? noong 1998 kung saan gumanap sila bilang mga anak ni Vilma Santos.

A post shared by Serena Dalrymple (@sdalrymple)

Sa Instagram post ni Serena ay makikita ang kanilang kuha ni Carlo. Saad ng dating aktres, "Akala mo lang wala, pero meron! meron! #batabatapaanokaginawa #familyreunion"

Nag-comment naman si Carlo ng "Thanks again Ena! Hi kay Thomas"

Si Thomas o Thomas Bredillet ay ang fiancé ni Serena. Ayon sa isang post ni Serena, two months na lang ay ikakasal na sila.

BALIKAN ANG SWEETEST PHOTOS NI SERENA KASAMA ANG FIANCE NIYANG SI THOMAS BREDILLET: