
Masayang ibinahagi ng celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang larawan ng kanilang anak na si Sixto Dantes na nakasuot ng isang Lapu-Lapu-inspired costume na tila para sa isang school activity kaugnay sa selebrasyon ng buwan ng wika ngayong Agosto.
Sa Instagram posts nina Dingdong at Marian, makikita na feel na feel ni Sixto ang kanyang suot na national hero costume hawak pa ang isang mini-version ng kalasag at kampilan ng naturang Filipino hero.
“Ako si Yapu-Yapu," caption ni Marian sa kanyang post.
Habang si Dingdong, may sarili ring bansag sa anak. "Si Datu Puti," isinulat naman ni Dingdong sa kanyang post.
Sa comment section, bukod sa mga netizen, hindi rin napigilang pusuan ni Lolong actress Rochelle Pangilinan ang cute na mga larawan ni Sixto.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG PANG CUTE PHOTOS NI SIXTO SA GALLERY NA ITO: