Celebrity Life

Betong Sumaya on 'Bubble Gang': "Maganda siyang ilagay sa resume!"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 2:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP probes security firm in QC car dealership shooting
Complete list of winners at the MMFF Gabi ng Parangal
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



Tulad ng pagkakasama niya sa primetime series na Genesis, hindi rin inakala ni Albert 'Betong' Sumaya, Jr. na magiging regular cast member siya ng longest running gag show ng bansa, ang Bubble Gang.

Tulad ng pagkakasama niya sa primetime series na Genesis, hindi rin inakala ni Albert 'Betong' Sumaya, Jr. na magiging regular cast member siya ng longest running gag show ng bansa, ang Bubble Gang. Wala pang dalawang taon na mainstay ang Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown winner sa naturang show, pero isang malaking karangalan na para sa kanya ang mapabilang dito.

"Sobrang excited kasi 18 years na ang Bubble Gang so maging part ka ng show na ito na ganun na katagal ay talagang parang malaking achievement na magandang ilagay sa resume," shares Betong nang aming makausap recently.

Mahalaga kay Betong ang kanyang pagiging natural sa pagpapatawa, kaya hindi nawawala ang kanyang signature 'Amazing!' gesture sa bawat eksena.

Aniya, "Sa akin kasi, gusto ko talaga maging natural. Lalo na 'yung mga nakakakilala sa akin, kapag napanood nila na ako pa rin 'yun. Kasi maganda nga daw na nagpapatawa ka na hindi ka talaga nag-eeffort kasi mararamdaman mo 'yun eh. Kasi kapag nag-eeffort ka magpatawa, minsan ang nangyayari hindi na nakakatawa. 'Yung pagiging natural talaga, at may flavor na Betong pa rin, lalo na 'yung 'Amazing!' Ini-inject ko 'yun palagi, every now and then."

He also talked about his favorite character, Antonietta. "Ngayon ang pinaka-favorite ko 'yung Antonietta. Kasi 'yun 'yung talagang hindi ko akalain na mabibigyan ako ng chance na i-portray. Ano siya eh, mataray na binabasag niya 'yung mga nangyayari sa mga soap opera or telenovela. Siya 'yung nagbibigay ng 'Ano ba 'to?' Basta sobrang challenging. 'Yun ang favorite ko talaga."

May peg or inspiration ba siya sa pagbuo ng character na ito?

"Actually parang siyang Mr. Assimo na kakaiba. So si Kuya Bitoy 'yung iniisip ko pero ang kaibahan lang, si Kuya Bitoy kasi mataray lang na lalaki. Ako babae talaga. Ang ano lang sa kanya kasi nambabara din siya. Actually siya 'yung peg. Sa artista, parang wala naman akong naiisip, although marami akong puwedeng isipin na kontrabida. Parang gusto ko ring ibahin na Betong pa rin pero Antonietta," paliwanag niya.

We also asked Betong kung ano ang masasabi niya sa bagong additions ng programa, ang Bagong Gang. "Ang nakakatuwa sa Bagong Gang kasi nagtatanong talaga sila. Talagang willing sila na matutunan ang mga dapat gawin. Nakikita mo naman talaga 'yung potential sa kanila. Nakakatuwa ngayon dahil sa ganitong klase ng sitwasyon na bata pa sila, eh kami medyo alam mo na (laughs), open sila na gumawa ng mga ganitong bagay. Mas maganda nga na habang bata pa sila ay na-eenhance na nila 'yung craft nila."

Catch Betong as Tolits on Genesis, weeknights after 24 Oras, and on Bubble Gang every Friday after GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com