
Isang touching gift ang natanggap ng veteran TV and movie actress na si Shamaine Buencamino mula sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na ibinahagi niya sa Instagram.
Matatandaan na gumanap bilang mag-ina sina Miss Shamaine at Marian sa hit sitcom na Jose and Maria's Bonggang Villa na umere ang season finale last August 27.
Ayon sa Instagram post ni Mama Au na sobrang na-appreciate niya ang special surprise na ito ng Kapuso primetime star.
Post niya, “Ramdam ko ito.”
Dagdag niya, “Maraming salamat Maria @marianrivera
“Ninamnam ko muna. At gusto ko din ipakita sa iyo na matching kami ng bulaklak na pinili mo.”
Reply naman ng misis ni Dingdong Dantes, “Hahahahahah miss you Mama Au”
KILALANIN PA ANG ILAN SA CO-STARS NG DONGYAN SA JOSE AND MARIA'S BONGGANG VILLA SA GALLERY NA ITO: