Celebrity Life

Zandra Summer: “Masaya ako na ‘yong kuya ko is always with me”

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 28, 2020 12:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

US Justice Dept releases card mentioning Trump, purportedly from Epstein to Nassar
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Lahat ng tao, pati na ang mga artista, ay may itinuturing na guardian angel. Alamin kung bakit anghel de la guwardiya ang tingin ni Zandra sa kaniyang kuya.  

Sa set visit ng GMANetwork.com sa Pyra Babaeng Apoy, pinaunlakan kami ng young Kapuso actress na si Zandra Summer ng isang exclusive interview.

Napansin namin na may kasamang lalaki si Zandra. Ang lalaking ito pala ay ang kuya niya na laging nasa tabi niya para suportahan siya.

“Masaya ako na ‘yong kuya ko is always with me,” nakangiti niyang sabi.

Ayon kay Zandra, ang kaniyang Kuya David ay mina-manage ni Direk Maryo J. delos Reyes at dinadala nito ang screen name na David Karell.

Marami nang pinagdaanan si Zandra at ang kaniyang kapatid. Naging tagapagtanggol niya ito nang may nangyari sa kaniyang di inaasahan.

“I’ve experienced na na-snatch ‘yong phone ko, may baril ‘yung tao, stuff like that. Ang bilis kong nerbiyusin, naiiyak.”

Kuwento niya, “’Yong kuya ko, susunduin na niya ako. That was outside Starbucks, naglalakad ako tapos may kumuha ng cellphone ko. Akala ko jino-joke lang ako…”

Ngunit hindi akalain ni Zandra na hindi pala biro ang naghihintay sa kaniya kundi kapahamakan nang araw na iyon. “Hindi siya bumalik, as in tumakbo siya, sumigaw ako. Timing ‘yong kuya ko dumating, bumaba siya, hinabol niya kaso with a gun, tapos sumakay na iyong snatcher sa motorbike.”

Sinubukang bawiin ng kuya niya ang cellphone niya sa magnanakaw.

“Hinahawakan siya ni Kuya sa may damit tapos sinabi sa kaniya ng tao, ‘Sige’, tapos may dalang baril, kaya ang kuya ko, parang ‘Okay, fine’ pero ako iyak ako nang iyak.”

Laking pasasalamat ni Zandra sa pagtatanggol ng kaniyang kapatid.

Katulad ng marami sa atin, naging biktima rin ang young Kapuso actress ng mga kawatan. Buti na lang at naroon ang kaniyang kuya para saklolohan siya.

Pero ito ang kaniyang maipapayo para hindi mangyari sa iba ang nangyari sa kaniya:
“Kahit feeling mo na safe ka, kahit may guard, to be safe iyong bag nyo hawakan nyo, ‘yong phone nyo huwag munang gagamitin kung nasa labas, kahit saan. So ‘yon lang, ako nga di na naglalabas ng cellphone.”

Ang kaniyang kuya rin ang nagpapalakas ng kaniyang loob simula nang nilindol nang malakas ang Cebu. Natatakot kasi si Zandra para sa kaniyang ina na naiwan sa probinsiya.

“Minsan kapag nanonood ako ng balita nakikita ako ni Kuya, nagte-teary eye, sinasabi niya, ‘Hindi okay ‘yong bahay natin. Ako iyong nag-build noon.’ Nagbibiro siya, tumawa.”  Kaya kahit na saglit ay napasaya siya ng kanyang kuya para hindi na mag-alala. “Mabilis lang naman akong patawanin.”

Catch Zandra Zummer as Ena in Pyra Babaeng Apoy after Magkano ba ang Pag-ibig?, only on GMA Afternoon Prime. For more updates of your favorite Kapuso shows and stars, keep on visiting www.gmanetwork.com. --Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com.