
Matapos ang matagal na panahon na hindi nila pagkikita, masayang muling nag-bonding ang magkakaibigan na sina Kakai Bautista at Lovely Abella, Kathryn Bernardo, at Maymay Entrata sa isang dinner date nitong Miyerkules, September 7.
Sa Instagram, ibinahagi ni Kakai ang ilan sa mga larawan ng kanilang naging mini-reunion.
"No to Taping Friendships," caption ni Kakai.
Ayon pa sa comedienne-actress, masaya siya na muling makita ang kanyang mga kaibigan na sinabi niyang hindi nagbago kahit pa hindi sila laging nagkakausap.
Aniya, "Masarap makakita ng mga kaibigan na kahit 'di kayo nagkikita physically ng matagal, pag nagkita uli ay parang walang lumipas na panahon. Ganun pa rin kayo. Grabe sarap lang panuorin at pakinggan 'yung mga tawa niyo."
"Namiss ko yaaaaaaaan. Mahal kong 3 pabigat," dagdag pa niya.
Matatandaan na nabuo ang pagkakaibigan ng apat nang magkasama sila sa pelikulang Hello, Love, Goodbye noong 2019 na pinagbidahan nina Kathryn at Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.
Ang nasabing pelikula ay ang itinuturing na highest-grossing Filipino film of all time.
SILIPIN NAMAN ANG ILANG KAPUSO-KAPAMILYA FRIENDLY ENCOUNTERS SA GALLERY NA ITO: